"NOON AT NGAYON"
Halos lahat ng mga tao ay nagsusuot ng mga damit. Nagbibigay ng proteksiyon ang mga kasuotan sa katawan ng tao mula sa init ng araw at matataas na mga temperatura sa mga bansang tropikal.
Tayo'y Magbalik tanaw sa mga Fashion Noon
at ating alamin ang mga Fashion Ngayon
NOON
Ang mga kabataan noon ay hindi mo makikitang nakasuot ng mga damit na kita yung likod at balikat yung mga babae, maiiksi o maiikling mga kasuotan tulad lamang ng mga shorts at sando sa mga lalake. Noon ang istilo ng pananamit ay pahabaan at dapat natatakpan halos lahat ng parte ng katawan lalong lalo na sa mga kababaihan dahil noon masyadong konserbatibo ang mga tao.
Binabatay ng mga tao ang pagkakaroon mo ng respeto sa sarili mo sa pamamagitan ng mga damit na iyong sinusuot Dahil mayroon silang paniniwala na ang mga tao o babae ay hindi dapat nagpapakita ng bahaging parte ng katawan dahil ang mga kababaihan ay dapat pinapahalagahan.
NGAYON
Eto naman ang kabaligtaran ng mga kasuotan noon, Ang Mga kabataan ngayon ay nahihilig sa mga nauuso ngayon katulad ng mga damit. Hindi Mahalaga sa kanila kung maiksi o manipis ang kanilang kasuotan na sinusuot, basta ang mahalaga ito ay nauuso at nakakaakit sa paningin ng iba.
Tila Paikli na nga ng paikli ang mga damit ngayon na hindi na pinapakita ang pagiging mayumi ng mga kababaihan ngayon.
Nagbabago ang panahon kaya't nagbabago din ang estilo ng mga kabataan sa pananamit. Hindi naman masama ang paggaya sa mga sa nauusong kasuotan sa modernong panahon, Siguraduhin lang na ito ay naangkop at maayos sa paningin ng ibang nakakakita.
No comments:
Post a Comment